top of page

Sa OFW Loan, Walang Petsa de Peligro

Aug 24
2 min read

Updated: Aug 28



Sumusunod pa rin ang "petsa de peligro" Kahit nagtatrabaho overseas?  

Alamin kung paano makakatulong ang OFW Loan ng Cepat Kredit sa’yo.





Kahit OFW, hindi pa rin kami nakakatakas sa sumpa ng “petsa de peligro.” Bago pa namin isipin kung may sasahurin kami, iniisip na namin kung saan kami pwedeng lumapit para humingi ng financial na tulong para sa pamilya namin sa Pinas. Buti nalang nakita ko ang pinagkakatiwalaang Cepat Kredit at ang Kaya Agad nilang pagseserbisyo sa mga tulad kong nagkikipagsapalaran sa ibang bansa para sa pamilya

Ang katapusan ng buwan para sa amin ay ang linggo na kailangan naming magtrabaho, kahit overtime, para makakuha nang sobra pangtustos sa kanila sa bahay. Si nanay, kailangan na ng gamot para sa highblood niya. Ang panganay ko, kailangan ng bagong laptop para sa course niya. Si bunso naman bayaran na ng tuition sa katapusan. Nataon pa na delayed ang sahod nung a-kinse. 


Sinubukan ko na manghiram sa mga katrabaho ko pero said na rin pala sila. Humiram na ko sa mga tiyahin ko nung 15, nahihiya na ko humiram pa ngayong katapusan. Hindi na rin ako pinayagan na kunin in-advance ang sahod ko dahil ilang beses ko nang ginagawa ‘yun. 


Iniisip ko na kung anong pupwede kong gawin para lang makakuha ako ng pera. Mahirap din kumuha ng part-time at di pwede sa kumpanya namin. Naisip ko nalang mag-hanap ng lending app o kahit online utang na lang. Mabilis lang din kapag mga ganito para may maipadala ako agad sa kanila.


Binuksan ko na ang phone ko at naghahanap ng pwedeng utangan. Nagtanong sa mga group at page pero mukhang hindi naman ako pauutangin. Ang iba naman mukhang scam. Tuluy-tuloy pa rin ang paghahanap ko hanggang sa nakita ko ang isang post.  

Habang pinapanood ko ang video, na-eenganyo ako na para bang tinatanong ako nito kung OFW ako at nangangailangan ako ng extrang budget. Hindi na ko nagdalawang-isip. Nagpunta ako sa kanilang Facebook. Minessage ang page nila at nagtanong kung paano mag-apply. Agad silang nag-reply. Tinanong nila ako kung ano ang trabaho ko at kung magkano ang kinikita ko sa isang buwan. Agad din nilang in-offer ang OFW Loan, at pwede raw akong makakuha hanggang 700 thousand pesos.  


 

Sinunod ko ang mga sinabi nila at pinasa ang mga requirements ng mga kailangan nila. Nagkaroon din ako ng taong makakausap ko kapag may mga tanong ako lalo na sa kung magkakaroon ba talaga ako ng chance na ma-approve.  

Matapos ang pagpasa ng requirements at pagcheck, sa wakas…Nailabas na ang perang kailangan na kailangan ko.  


Nagpadala na agad ako sa kanila pambili ng gamot, ng bagong gamit at nagbayad na rin ng tuition. Dahil sa Cepat Kredit, hindi ko nararamdaman ang petsa de peligro.    Writer: Jess Anne Velasco Artwork: Raizelle Therese Angeli Gozum


Comments


bottom of page